Monthly Archives: January 2018


10 Things You Didn’t Know About Baninay Bautista (Tagalog To!)

UNA

Dear Baninay,

Una sa lahat, alam kong ayaw mong nagbabasa ng mahaba, pero for the first time e may article na tungkol sayo na sinulat ng taong may kilala talaga sayo. Kaya sana magustuhan mo to.

(Kung hindi niyo pa alam, birthday ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan ngayon. Hindi ako makakarating sa party niya dahil aral mode na, kaya ito na lang ang mareregalo ko ngayong taon.)

“Sampung Bagay Na Hindi Niyo Alam Tungkol Kay Baninay Bautista.” Naks!

Sayang at kaya ko pa sana gawing dalawampu’t dalawang bagay tong nasa listahan ko. Sakto sana sa bagong edad mo, diba?

Kaso ayaw mo ngang magbasa ng mahaba diba, kaya sampu na lang…

(Yun nga pala ang unang trivia. Sana walang magregalo sa kanya ng libro.)

PANGALAWA

Sinong makakalimot noong saktong birthday mo rin last year e naevict ka sa Bahay Ni Kuya? Hindi ata nila alam yon!

James Reid and Baninay Bautista

A greeting from James Reid! Pakonswelo ni Kuya kasi evicted pala siya nung gabing yun. Hahahuhu.

Ang gulo kasi, yun ang una mong eviction. At dahil sa swerte mo, may dalawa pang sumunod.

Welcome back to the outside world! Repeat three times!!!!

PANGATLO

Hindi nila alam imbyerna ako sayo noong una kitang nakilala sa PBB. Sabihan mo ba naman ako ng, “Wala kang talent?! Bakit ka pa sumali dito?

Naisip ko pa nun, “Bad trip, kailangan ko tong pakisamahan.”

Baninay and Aura's first meeting

Omaygad! Badtrip ako nito! Kung maka-hug ka dyan! Hahaha!

E ikaw nga, ang talent mo pala ay gayahin ang pagkanta ni Lyka. “Hete eke!!”

Tawang tawa talaga ako kahit paulit-ulit mong binibirit yon habang humihithit ng mga sinusunog mong bote para sa parol.

Adik? Kaya pala nagkasundo tayo.

(Hindi pa nila alam yung joke na “hete eke” kasi hindi pa umaappear sa vlogs mo! Sobrang nakakatawa kaya yooooon.)

PANG-APAT

Hindi nila alam na sobrang talino mo rin pala.

Ikaw kaya tong maraming achievement sa school! Tapos sa buong Batangas, Top 2 ka kamo sa ano gang test i-yon?

Pilit ko ring hinahanap kung may video tayo noong tinuturuan mo kami nina Tanner at Tyler kung paano mag-solve ng Rubik’s Cube. Step by step tutorial pa! “First of all! Second of all!” Eh hindi nga ako umabot sa Fifth Of All! Paano ba kasi ulit yun?

PBB Blue Team Rubiks Cube

Alam niyo bang idea rin ni Baninay na gawing parang hollow blocks ang tower namin kaya kami nanalo? Ang baduy, hindi pinalabas yun!

PANG-LIMA

Hindi nila alam, high school ka pa lang eh mahilig ka na magpost ng mga vlog kuno sa Facebook.

“Hello! Nandito tayo ngayon sa _____!” Yan na ang intro mo dati pa. Natural lang pala talagang vlogging ang magiging trabaho mo.

Baninay Life Before PBB

High school Baninay vlogging inside a jeep LOL

Buti na lang at nabigyan ka ng tamang inspirasyon, guidance, at exposure para makapagsimula. Hinding hindi ka naman nakakalimot magpasalamat. Pero kailangan ko ring masabi na..

PANG-ANIM

Alam ko namang hindi to lalabas sa bibig mo mismo kasi humble ka. Pero sana makita rin ng iba ang nakikita ko.

Hindi nila alam na hindi lang ikaw ang Youtuber na tinulungan ni Wil. Hindi lang rin ikaw ang Youtuber na nagsimula sa PBB.

Pero ikaw ang pinaka-bongga ngayon. Tipong kahit magkakasama tayo, ang tao eh sayo lang lalapit at magpapapicture. Ano na lang kami, others. Matinde.

Baninay Bautista silver play button

Parang kailan lang, tuwang tuwa tayo sa 30,000 subscribers mo!

Kaya ang totoo, ikaw na yan girl. Ikaw na lang yan. Alam niyo kung bakit?

PANG-ANIM

Hindi nila alam, ginagalingan mo naman talaga.

Ano man ang nakita nila dati sa TV, higit pa doon ang nakita ko. Malaki naman talaga ang tiwala mo sa sarili mo. Sobrang lakas kaya ng loob mo!

“Iphone ang puhunan, confidence ang labanan!!”

Aura Baninay PBB

Ano ba kasing pabebe ginawa mo sa TV teh hahaha!!!! Love this moment. 

Hanga ako sayo sa pagpopost mo ng bikini pictures at song covers na walang kemerut sa bashers. (Ako nga hiyang hiya! Huhuhu!)

At nang hindi ka makuntento, why not magpa-concert sa Music Museum!? Iba!

Lahat ng ganap pinuntahan – kahit walang kakilala, kahit walang kasama – basta “always show up!”

Lahat gagawin! Pero hindi lang “para sa vlog!”

PANG-WALO

Para rin talaga sa pamilya mo.

Minsan ka nang nasabihan ng magulang mo na “maaga ka lang mag-aasawa at iiwanan mo rin ang pamilya.

Pero hindi nila alam, na kaya mong higitan ang ano mang naging ekspektasyon sayo. Na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa kanila.

Na kahit na gaano ka pa kapagod, kalayo, at kahectic, uuwi’t uuwi ka pa rin sa iyong pamilya.

PANG-SIYAM

Hindi nila alam na simple ka lang tignan, pero sobrang taas ng pangarap mo.

Pinalaking prinsesa, pero kaya mo palang mag-isa. Kaya mo palang makipag-sapalaran kahit saan ka dalhin, kaya mong makipagsabayan kahit sino pang kilalanin, at kahit sinong AFAM ay kaya mong paibigin. (LOLOLOLZ)

Balang araw, magkakaroon ka rin ng sarili mong bahay. Makakaranas ka rin ng graduation.

Baninay Bautista Jollibee Crew

Napakaraming memories ng Jollibee sayo talaga! Nako kung alam nila! LOL

At ang pinakasikretong hindi dapat tinatago – na mula sa isang employee, ay kaya mong maging endorser, at balang araw, isang may-ari na ng Jollibee!

PANG-SAMPU

Hindi nila alam na sobrang saya mo lang talagang kasama, at natural ka lang na simple at masayahing tao.

Na okay lang sayong humiga sa sahig ng van, at magbeach nang naka So-En imbis na totoong bikini.

Na kahit anong hugot mo sa Twitter e okay ka naman, may lovelife ka man o wala. “Masaya lang tayo dito!!”

Baninay Bautista boyfriend

Naaalala mo pa ba kung kanino ka kinikilig sa picture na to? Ang saya mo a!

Na kapag island hopping e uupo ka lagi mag-isa sa harap ng bangka, at kahit natutulog na kaming lahat sa pagod at hilo, e sumisigaw ka pa rin sa tuwa (o takot) kasi maalon tapos nababasa ka.

Naisip ko nun, “Pucha muntanga si bebe, bakit ang saya niya. Wala namang camera.”
Pero ang totoo, “Pucha nakakainggit si bebe, ang saya niya. Kahit walang camera.”

Happy birthday, Baninay!

Tuloy mo lang lahat ng pangarap mo. Wag ka magugulat na nandito lang kami, patuloy na mambabash at susuporta sayo. Saka gumising ka na ng maaga para mas marami kang magawa sa araw araw ha! I love you bebe!! 🙂

Baninay Aura Caramoan Tugawe Cove

Hindi ka na Forever 21 kasi walang forever! Happy 22nd birthday. We’ll have so much fun this year I promise 😛